Wednesday, August 15, 2012

Bumalik na po KAMI


Kaugnay sa selebrasyon ng Buwan ng Wika, ang artikulong ito ay buong puso kong isunulat ayon sa napapanahong problema ng ating bayan, hindi muna ito sa mga bagay na hindi masyadong napapansin kundi ito muna sa isyung mas dapat pag tuonan ng pansin ngayon dahil sa matinding epektong naidudulot nito sa atin.

Itong artikulong ito ay ang aking kauna-unahang komentaryo na nasa wikang Filipino. Gayon pa man, hindi nawawala ang mga mensahe at aral na aking maihahatid sa aking mga taga basa. Sana kayo ay masiyahan at mahinuha sa iyong sarili ang kahalagahan ng ating wika at ng ating bayan, lalong-lalo na kang inang kalikasan.



Bumalik na po KAMI

Sabi nga ng mga matatanda, “kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin”. Ang mga katagang ito ay hindi lamang sumasalamin sa katandaan ng panahon kundi ang kahalagahan ng pangangaral na siya nga namang nagpatunay sa mga nakalipas na panahon, mapa-personal man o panlipunan, sibilyan man o politiko, mayaman man o mahirap, ang mga pangaral na ito ay sadyang hindi namimili ng tao.


Sa mga nagdaang linggo ay nakaranas ang Pilipinas ng kalat-kalat na pag ulan sa buong bansa, hindi lamang ito isang ordinaryong ulan na maari tayong maging kampante kundi maaring maglagay sa ating mga buhay sa alanganin. Naglaon, nalaman ng buong bansa na ang hanging Habagat ang siyang nagdadala ng malakas na hangin at ulan na siyang naging mitya ng malakas na alon sa Manila Bay.


image from Google
Kinalaunan, nagulantang ang buong bansa sa naging itsura ng Roxas Boulevard at Manila Bay na siyang natabunan ng lawak ng basura. Nag mistulang isang extension ng Manila Bay ang basura na siyang tumambad sa mga tao sa Kamaynilaan. Nag balik na nga sila.


Kung ano nga ang itinanim, siya nga talaga ang aanihin. Huwag sana nating isisi lahat sa gobyerno ang pangyayaring ito. Bumaha man ay hindi nila kasalanan sapagkat hindi sila ay salarin sa pangyayarin ito. Tayo pong mga tao. Tao rin po ako ngunit ako po ay may pangaral sa inyo, “ang responsabling Pilipino ay malinis na Pilipino”. Malinis man ho tayo sa kalooban at sa panlabas na anyo, sana naman ay pati sa kalikasan ay malinis rin tayo. Ang mga basurang gumulantang sa buong bayan ay nagpapahiwatig lamang na panahon na ng pagbabago at hindi ito magsisimula sa gobyerno o sa lipunan kundi ito ay nagsisimula sa ating mga sarili. Bumangon man tayong mga Pilipino sa matinding unos ng kalikasan, babalik at babalik din tayo sa trahedyang iyan kung ipagpapatuloy parin natin ang ating kapabayaan.


image from Google

Malupit man kung maningil ang inang kalikasan, mapipigilan din naman kung tayong mga tao ay magtutulungan.